Nagpulong ang Quezon City Government at Polytechnic University of the Philippines (PUP) upang pag-usapan ang mga proyektong may kinalaman sa edukasyon, kalusugan at kabuhayan.
Isa na rito ang pagtatayo ng medical school sa Quezon City kung saan sila ang magiging katuwang ng mga hospital sa lungsod.
Magkakaroon din ng “Education on Wheels” ang Unibersidad, at ang Lokal na Pamahalaan mismo ang pupunta sa mga estudyanteng nais makapagtapos sa kolehiyo.
Dumalo sa pulong sina Mayor Joy Belmonte, Chief Of Staff Ms. Rowena Macatao, Education Affairs Unit Head Maricris Veloso, Youth Development Office Dr. Lyn Dividina at Public Employment Service Office Head Rogelio Reyes.
Naroon din ang mga kinatawan ng PUP na sina President Dr. Manuel M. Muhi, Vice President for Administration Mr. Adam Ramilo, Open University System Executive Director Dr. Carmencita Castolo, Director, Communication Management Office (CMO) Director Prof. Krupskaya Valila, Special Programs and Projects Office Director Ma Luisa Oliveros at Bachelor of Science in Office Administration Open University Program Chair Assoc. Prof. Jonathan U. Florida.