Bumisita sa Quezon City Hall ang pamunuan ng Popeyes Philippines kahapon.
Ipinahayag ni Popeyes Philippines CEO Mr. Roy Quejada kay Mayor Joy Belmonte na handa silang makipagtulungan sa lokal na pamahalaan, lalo na sa pagpapalakas ng mga programa ng lungsod tulad ng QCitizen ID, at scholarship.
Ibinahagi rin ni Mayor Joy na patuloy pang pinapaunlad ng lokal na pamahalaan ang mga serbisyo para sa mga negosyo, para mas mapabilis at mapadali pa ang mga proseso para sa kanila.
Kasama rin ni Mayor Belmonte sa pulong sina Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Margie Santos at Mr. Jong Sumpaico ng Local Economic and Investment Promotion Office (LEIPO).