Mas paiigtingin pa ng Quezon City Government ang mga programa para mapangalagaan ang mental health ng mga QCitizen, sa pamamagitan ng pakikipagtulugan sa Psychological Association of the Philippines (PAP).
Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kina PAP Internal Relations Officer Ver Reyes at PAP LGBT Psychology Special Interest Group Chairperson Rolf Gian Marcos.
Target ng grupo at ng lokal na pamahalaan na isailalim sa mental health awareness training ang mga first responder ng QC, tulad ng mga pulis at barangay staff, na unang humaharap sa mga biktima o kanilang pamilya matapos ang insidente.
Kasama rin ng alkalde sa pulong sina Education Affairs Unit Chief Maricris Veloso, Human Resource Management Department – Strategic Human Resource Unit (SHRU) Action Officer Ria Tantoco-De Leon, at Gender and Development Council TWG Head Janet Oviedo.