Inalam ni Mayor Joy Belmonte kay Barangay Damayang Lagi Punong Barangay Ai Ledesma ang mga suliranin at kinakailangan ng kanilang komunidad.
Tiniyak ni Mayor Joy na handang umagapay sa kanila ang lokal na pamahalaan, lalo na sa pagtulong sa mga residenteng nasunugan sa Isla Noah.
Kabilang sa mga ipinangako ng pamahalaang lungsod ay pagsasaayos ng drainage sa lugar, pagtatatag ng daycare, at paglalagay ng retaining wall.
Kasama rin ng alkalde sa meeting sina Chief of Staff Rowena Macatao, Assistant City Administrator Don Javillonar, District 4 Action Officer Al Flores, at Atty. Zandy Zacate ng Infrastructure Committee.