Ibinahagi ng QC Federation of Persons with Disability Inc. (QCFPWD) ang kanilang mga suhestyon para mas mapaunlad pa ang mga serbisyo ng lungsod para sa persons with disability.

Pinakinggan ito ni Mayor Joy Belmonte, at nangakong gagawan agad ng aksyon; tulad ng paglilinaw sa mga responsibilidad ng mga PWD focal person ng barangay.

Kasama ng alkalde sa pulong sina QCFPWD President Tim Salaguste, Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Head Debbie Dacanay, City Legal Department OIC Atty. Carlo Austria, at Barangay and Community Relations Department (BCRD) Head Ricky Corpuz.

+2