Sa layuning mapaunlad pa ang film industry sa Lungsod Quezon, nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay QC Film Development Commission Executive Director Liza Diño ngayong araw.
Tinalakay sa meeting ang pagtatayo ng One Stop Shop Film Permit Office na naglalayong mapabilis ang pagkuha ng shooting permit ng productions sa lungsod. Ang patuloy na pagbibigay grants para sa mga local filmmaker, at ang mga ilulunsad na film academy at labs na mag-aalok ng upskilling para sa media workers.
Pinag-aaralan na rin ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay incentives sa mga film production na nais magtayo o lumipat sa lungsod.
Dumalo rin sa pulong si Ice Seguerra at Giana Barata ng Office of the City Mayor.