Mas papaigtingin pa ng Quezon City Government ang kampanya para kilalanin bilang UNESCO Creative City of Film!
Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay QC Film Development Commission Executive Director Liza Diño para mas maisulong pa ang creative industry sa lungsod, lalo na ang industriya ng pelikula.
Ngayong buwan, kasabay ng QCinema Film Festival, isasagawa rin ang Creative Industries Day. Target ding magtatag ng ordinansa na magtatalaga ng one-stop-shop para sa mga film production company sa QC.