Pinakinggan ni Mayor Joy Belmonte ang mga suliranin na kinakaharap ng mga kapatid nating Muslim sa Quezon City.

Nakipagdayalogo ang alkalde sa grupo, na pinangungunahan ni QC Muslim Sector representative Archie Ampaso ngayong umaga.

Magbibigay ang QC ng libreng skills at livelihood training sa mga muslim vendor. Mahigpit ding makikipagtulungan ang lungsod para mabigyan ng maayos na vending sites ang aabot sa 120 Muslim vendors.

Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina Small Business Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) Head Mona Yap, Market Development and Administration Department (MDAD) Head P/Col Alex Alberto (Ret.), Quezon Memorial Circle Administrator Windsor Bueno, at Chief of Staff Rowena Macatao.

+3