Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay QC Chief Prosecutor Vimar Barcellano upang talakayin ang mga hakbang upang mas maprotektahan ang bawat batang QCitizen laban sa pang-aabuso.
Kabilang sa mga tinalakay ang pagpapalakas ng QC Protection Center bilang isang one-stop Child Protection Center na magbibigay ng agarang tulong at komprehensibong serbisyo para sa mga biktima.
Tinalakay rin ang pagpapaigting ng mga protocol para sa mga kasong may kinalaman sa OSAEC, rape, at acts of lasciviousness upang mapabilis ang aksyon at matiyak ang agarang hustisya.
Kasama rin sa pulong sina Social Services Development Department OIC Lorelei Salvador, City Legal Officer Atty. Carlo Austria, BCRD Head Ricky Corpuz, QC Gender and Development Council Head Janete Oviedo, at QC Police District Women and Children Protection Section Chief PLT Loida Sta. Maria.









