Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa mga kinatawan ng QC Screen Commission, kasama si Screen QC Executive Director at QCinema International Film Festival Artistic Director Ed Lejano at City Tourism Department Head Giana Aira Barata, upang talakayin ang mga proyekto sa ilalim ng Screen QC.
Kabilang sa mga napag-usapan ang patuloy na pagpapalakas ng QCinema International Film Festival at mga inisyatiba upang higit pang maisulong ang de-kalidad na pelikulang Pilipino.
Nananatiling kaagapay ng film industry ang lokal na pamahalaan upang bigyan ng oportunidad ang mga filmmaker para sa pagtataguyod ng kultura, sining, at malikhaing pagkukuwento.








