Nagpulong ang Quezon City Local Council for the Protection of Children kasama si Mayor Joy Belmonte at QC Chief Prosecutor Vimar Barcellano upang talakayin ang bilang ng mga kaso ng sexual abuse sa lungsod.
Kabilang sa mga tinalakay ang pagpapalakas ng QC Protection Center bilang isang one-stop shop o Child Crisis Center na magbibigay ng agarang tulong at komprehensibong serbisyo para sa mga biktima.
Tinalakay rin ang pagbuo at pagpapaigting ng mga protocol para sa mga kasong may kinalaman sa OSAEC, rape, at acts of lasciviousness upang mas mapabilis ang aksyon at maprotektahan ang mga kabataan.
Pinagtitibay ng Lungsod Quezon ang koordinasyon, mas mabilis na proseso at mas matibay na sistema upang makamit ang hustisya para sa bawat kabataang QCitizen na biktima ng pang-aabuso.








