Magtutulungan ang Quezon City Government at Real Estate Brokers Association of the Philippines, Inc. (REBAP) QC Chapter para masolusyunan ang problema sa mga pekeng real estate practitioners.
Sa pulong ng REBAP QC Chapter kay Mayor Joy Belmonte, binanggit ng alkalde na papaigtingin ng QC Assessor’s Office ang kampanya laban sa mga unlicensed real estate broker para maprotektahan ang mga QCitizen sa mga manloloko at scammer.
Dahil sa walang-sawang pagsuporta ng lungsod sa REBAP, kinilala ng organisasyon si Mayor Joy bilang isa sa kanilang mga honorary member.
Hinikayat naman ng alkalde ang REBAP QC na maging bahagi ng People’s Council of Quezon City para matulungan at masuportahan ang kanilang sektor.
Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) Head Atty. Jojo Conejero, at City Assessor Atty. Sherry Gonzalvo.




