
Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kina Red Dot Foundation Founder and CEO ElsaMarie D’Silva, at Bayi Inc. Executive Director Maya Tamayo para pag-usapan ang mga programa ng lungsod para sa mga kababaihan.
Isa sa mga napag-usapan ay ang Safe City App, kung saan maaaring mag-report ang sinumang nakakaranas ng anumang uri ng gender-based violence, na nauna nang inilunsad sa Barangay UP Campus. Target ng lungsod na maibahagi rin ang Safe City App sa mga paaralan sa lungsod.
Kasama rin ni Mayor Joy sa meeting sina Councilor Ellie Juan, Gender and Development Council Office TWG chief Janet Oviedo, at mga kinatawan mula sa Liwanag ng Masilaw.
