Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte si Rep. Dean Asistio ng Caloocan City, Chairperson ng House of Representatives Committee on Metro Manila Development sa kanyang courtesy visit.
Tinalakay sa pulong ang mga usapin at hamon na kinahaharap ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila, kabilang ang pagpapatibay ng kooperasyon sa pagitan ng mga LGU.
Binigyang-diin rin ang pagkakaisa ng plano ng bawat lokal na pamahalaan upang higit na mapabuti ang mga programa at serbisyong inihahatid sa mamamayan.
Kasama sa pulong sina Councilor Doray Delarmente, Councilor Candy Medina, City Administrator Michael Alimurung, City Legal Officer Atty. Carlo Austria, at Traffic and Transport Management Department Head Dexter Cardenas.









