Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bumisita sa tanggapan ni Mayor Joy Belmonte si District 5 Rep. PM Vargas para pag-usapan ang mga proyekto sa kanilang distrito.
Paksa ng pulong ang pagpapaunlad ng mga serbisyo ng lokal na pamahalaan at opisina ni Rep. Vargas na tunay na pakikinabangan ng QCitizens sa distrito.
Tinalakay din ang mga proyektong bahagi ng QC Drainage Masterplan upang makatulong sa pagtugon sa problema ng pagbaha. Nagbigay si Rep. Vargas kay Mayor Joy ng listahan ng mga proyekto mula sa Drainage Masterplan na planong ipatupad sa 2027.








