Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Magtutulungan ang QC Government at si Rep. Ralph Tulfo para sa mas maunlad na District 2!
Ngayong Huwebes, nagpulong sina Mayor Joy Belmonte at Rep. Tulfo upang talakayin ang mahahalagang usapin tungkol sa barangay affairs, school vehicles at school buildings, at flood control infrastructure sa ikalawang distrito.
Patuloy na palalakasin ang koordinasyon para maisulong ang mga proyektong tutugon sa pangangailangan ng komunidad at maghahatid ng mas maayos na serbisyo sa QCitizens.






