Mas maraming sari-sari store pa ang magiging bahagi ng Kuha sa Tingi program ng Quezon City!
Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay RIPPLEx CEO Ces Rondario upang mas palawigin pa ang programa, na nagbibigay ng abot-kaya, at sustainable na alternatibo sa mga produktong nabibili nang naka-sachet o single-use plastic tulad ng fabric softener, dishwashing liquid, multipurpose cleaner, at liquid detergent.
Ngayong taon, target ng lungsod na maisailalim sa program ang karagdagang 5,000 sari-sari stores. Sa kasalukuyan, mayroon ng 1,060 sari-sari stores ang nakatanggap ng libreng Kuha sa Tingi starter kit.