Maraming salamat sa Rotary International District 3780 sa ibinigay ninyong P500,000 para sa learning recovery program ng Quezon City!
Nauna nang nagbigay ang Rotary ng P1,000,000 na nagamit ng mahigit 180 kabataang QCitizen sa public schools.
Nakipagpulong din si Mayor Joy Belmonte sa Rotary, sa pangunguna nina District 3780 Governor Paul Angel Galang at BH Partylist Rep. Bernadette Herrera, upang mailinya ang mga programa ng kanilang organisasyon sa mga inisyatibo at pangangailangan ng lungsod.