Nakipagpulong ang Rotary International District 3780 sa Quezon City Government para ibahagi ang mga programang nais nilang ipatupad sa lungsod.
Inihayag ni District Governor Veronica Yu kay Mayor Joy Belmonte ang mga plano nilang inisyatibo tulad ng paglalagay ng WASH facilities sa mga paaralan, pagbibigay ng suporta sa zero illiteracy at tutoring program, scholarship grants, at pagdo-donate ng mga gamit para sa mga health facility.
Handa ang lokal na pamahalaan na makipagtulungan sa Rotary International District 3780 para makapagbigay ng karagdagang serbisyo sa mga QCitizen.
Kasama ni Mayor Joy na dumalo sa meeting sina Assistant City Administrator Atty. Rene Grapilon, QC Health Department Head Dr. Ramona Abarquez, Education Affairs Unit chief Maricris Veloso, at Youth Development Office Head Lyn Dividina.





