Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagpulong ang ilang kinatawan ng San Miguel Corporation at Pamahalaang Lungsod Quezon upang talakayin ang mga inisyatiba para sa river cleanup program.
Kasama sa pulong sina Mr. Jamie Lu, VP at Overall Project Manager ng SMC River Cleanup Program at Atty. Dale Perral, head ng City Engineering Department
Nakiisa rin sa pulong sina District Action Officers Ollie Belmonte at Atty. Zandy Zacate.
Layon ng pulong na maglatag ng mga hakbang para mapabuti ang sistema ng flood control at maprotektahan ang mga komunidad sa dulot ng matinding pagbaha.








