Nagpulong si Mayor Joy Belmonte kasama ang ilang kinatawan ng Save the Children Philippines para talakayin ang kanilang adbokasiya sa pagsusulong ng karapatan ng mga kabataan.

Tinalakay din ang kahalagahan ng kaligtasan ng mga kabataan sa LGBTQIA+ sector at mga programa na maaaring ipatupad dito katuwang ang STC at pamahalaang lungsod.

Nakiisa sa pulong sina STC Director for Program Management Benjamin Delfin, Gender and Development TWG head Ms. Janet Oviedo, at QC Public Employment Service Office Manager Rogelio Reyes.