Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Magtutulungan ang Quezon City at EDCOM II para maitaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa!
Sa pulong ng Quezon City Government at Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), ipinakita nila ang datos na base sa kanilang pag-aaral. Tumutukoy ito sa mga kakulangan at mga kailangan pang gawin ng pamahalaan sa pagtugon sa education crisis.
Handa ang lokal na pamahalaan na magbigay ng suporta para maisakatuparan ang mga adhikain ng EDCOM II.
Sa tulong din ng QCinema, magpapalabas ng mga pelikula na umiikot sa edukasyon at nutrisyon bilang paksa.










