Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte kasama si SGV Advisory Partner Ms. Rossana Fajardo upang talakayin ang EY STEM App na layong hikayatin ang mga babaeng mag-aaral na tahakin ang career sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM).
Ang EY STEM ay isang free gamified learning app kung saan makikita ang iba-ibang online learning activities na nagsusulong ng STEM.
Kasama sa pulong si Education Affairs Unit head Ms. Maricris Veloso kaisa ang iba pang mga kinatawan ng SGV.








