Nakipagpulong ang pamahalaang lungsod sa pamunuan ng SM North EDSA at Department of Transportation para alamin ang EDSA Busway concourse na itatayo sa nasabing mall.

Ipinakita ng SM at DOTr ang plano kay Mayor Joy Belmonte, na malaking tulong para sa mga commuter na manggagaling sa North Avenue.

Kasama rin ni Mayor Joy sa pulong sina City Administrator Mike Alimurung, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, at City Engineer Atty. Dale Perral.

+3