Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte, mga kinatawan ng Harvard Medical School, University of the Philippines Manila (UPM) – National Institutes of Health (NIH), at ang StITCH (Strengthening Integrated Treatment and Care for Hepatitis) Project Team upang palakasin ang mga programa laban sa hepatitis sa lungsod.
Kasama sa pulong sina Dr. Janus Ong, hepatologist at Project Leader ng StITCH PH, Dr. David Golan ng Harvard Medical School, mga kinatawan ng Gilead Sciences, Inc., Quezon City Health Department Head Dr. Ramona Abarquez, at Epidemiology & Surveillance Division Head Dr. Rolly Cruz.
Tinalakay ang pagpapalawak ng StITCH Project sa iba pang distrito sa Quezon City upang masigurong tuloy-tuloy ang serbisyong pangkalusugan para sa QCitizens.










