Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang programa ng lokal na pamahalaan sa mga editor ng Summit Media Publishing.
Binanggit ng alkalde ang mga programa ng QC kabilang ang para sa mga kababaihan, pagpigil sa masamang epekto ng climate change, pagsusulong ng active mobility at active transport, digitalization ng mga serbisyo, at pagsasaayos ng mga pasilidad at parke tulad sa QMC at Amoranto Sports Complex.
Tinalakay din ni Mayor Joy ang Q City Bus program at pagpapalawig pa ng library services sa mga komunidad kina Summit Media Editorial Director Thea Alberto-Masakayan, Esquire Philippines EIC Paul John Cana, at SPOT.ph Associate Editor Mia Rodriguez.
Dumalo rin sa meeting sina Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo at Public Affairs and Information Services Department (PAISD) Head Bert Apostol.