Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte at Kee Kirk Chuen, Head of Health & Well-being ng Temasek Foundation, upang talakayin ang mga programa sa kalusugan ng lungsod.
Kasama sa pulong si City Health Officer Dr. Ramona Abarquez.
Tinalakay nila ang mga inisyatibo para sa mga ospital ng lungsod, kalusugan ng mga kabataan, “first 1,000 days” program, at mga posibleng proyekto para sa cancer detection at treatment.
Patuloy ang Quezon City Government sa pagpapaigting ng mga programang pangkalusugan katuwang ang iba’t ibang institusyon para sa kapakanan ng QCitizens.





