Nakipagpulong ang Senior Director ng Temasek Foundation na si Gerald Yeo kay Mayor Joy Belmonte para personal na imbitahan ang alkalde na maging delegado sa prestihiyosong Asia Leaders Connect 2024.
Ang Asia Leaders Connect ay taunang leadership forum ng Temasek Foundation. Layon ng programa na pagsama-samahin ang mga lider sa Asya upang talakayin ang mga isyu at hamon na nakakaapekto sa pamamahala at pamumuno sa rehiyon.

