Nakipagpulong si Tetmon Singapore CEO at Co-Founder Yinghan Hu kay Mayor Joy Belmonte ngayong hapon.
Nais ng Tetmon na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan para mabigyan ng oportunidad at mapaunlad pa ang kakayahan ng IT graduates ng Quezon City University, partikular sa programming.
Nakabase sa Singapore ang Tetmon, na isang technology company na bumubuo ng mga software sa data analytics at data management. Nauna nang nakipag-partner ang lungsod sa Tetmon sa integration ng Artificial Intelligence Data Integration tool sa Business Permits and Licensing Department.
Kasama rin ng alkalde sa meeting sina Tetmon Philippines Director Michella Cacdac, BPLD Head Margie Mejia, at Education Affairs Unit Chief Maricris Veloso.
