Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa pamumuno ni Sec. Jose Rizalino Acuzar kasama sina Atty. Jojo Conejero ng QC Housing Community Development and Resettlement Department upang talakayin ang mga inisyatiba at pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod upang maisakatuparan ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Suportado naman ng QC ang mga socialized housing projects ng national government para makapagbigay ng ligtas at abot-kayang pabahay sa mga QCitizens.