Nakipagpulong ang pamunuan ng QC Government sa pangunguna nina Chief of Staff Rowena Macatao at Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) Acting Assistant Department Head Atty. Jojo Conejero kay Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Tinalakay ang mga development sa isasagawang housing plan ng national government para sa ilang residente ng Quezon City katuwang ang pamahalaang lungsod.

Isa sa mga prayoridad ng pamahalaang lungsod ang pagbibigay ng disente at maayos na tirahan para sa mga residente.

Nakiisa sa pagpupulong sina USec. Lyle Pasco at iba pang kinatawan ng DHSUD at National Housing Authority.

+4