Upang mas mapalakas pa ang mga programa ng lungsod kontra online sexual abuse and exploitation sa mga bata, nakipagpulong ang Quezon City Government sa Mission Alliance Representative Office Philippines at Nordic Liaison Office of Manila.
Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang mga programa ng lungsod para maprotektahan ang mga kabataan mula sa anumang uri ng pang-aabuso at exploitation, kabilang na ang itinayong QC Protection Center at pakikipagtulungan sa Diocese of Novaliches.
Dahil sa kampanya ng lungsod kontra OSAEC, napili ng Mission Alliance Philippines ang QC bilang host ng isasagawang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) conference sa Nobyembre.
Kasama ni Mayor Belmonte sa pulong sina Mission Alliance Philippines Country Director Karin Riska, Assistant to the Nordic Liaison Officer Aileen Reyes Joson, SPARK! Philippines Executive Director Maica Teves, Gender and Development TWG Head Janet Oviedo, at Social Services Development Department (SSDD) Head Eileen Velasco.