Upang masigurong matibay at climate-resilient ang tahanan ng mga QCitizen lalo na ng pinaka nangangailangan, nakipagpulong ang Quezon City Government sa Society for the Promotion of Area Resource Centers (SPARC), Slum Dwellers International (SDI), at Holcim.

Tinalakay ni Mayor Joy Belmonte ang kasalukuyang programang pabahay ng lokal na pamahalaan kina Sheela Patel ng SPARC at SDI, at Magali Anderson ng Holcim.

Magtutulungan ang QC, SPARC, SDI, at Holcim, kasama ang iba pang organisasyon, para makapagtayo ng matatag at murang pabahay para sa mga indigent QCitizen families na pinaka apektado ng mga kalamidad.

Kasama rin ni Mayor Joy sa meeting sina Zoe Sibala ng Holcim, Ericka Nava ng Philippine Action for Community-led Shelter Initiatives, Inc., Ruby Haddad ng Homeless People’s Federation of the Philippines, City Architect Lucille Chua, Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) Acting Assistant Head Atty. Jojo Conejero, Tina Perez ng Joy of Urban Farming, at mga kinatawan mula sa QC PESO.