Pinakinggan ni Mayor Joy Belmonte ang mga inilatag na problema at suhestiyon ng mga traditional at modern jeepney transport groups sa Lungsod Quezon ngayong araw.

Binigyang-solusyon ng alkalde ang mga isyung kinahaharap ng grupo gaya ng pagpapabilis ng proseso sa QC Local Public Transport Route Plan, ang pagsasaayos ng ruta ng mga QCity Bus at transport terminal fees, at tulong pinansyal para sa mga apektadong driver at operators.

Dumalo rin sa pulong sina Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, Department of Public Order and Safety head Elmo San Diego, Traffic and Transport Management Department at Pasang Masda President Ka-Obet Martin.