Bumisita sa Quezon City Hall si United Cities and Local Governments Asia Pacific (UCLG ASPAC) Secretary General Bernadia Irawati Tjandradewi upang ipakilala ang kanilang samahan kay Mayor Joy Belmonte.
Ang UCLG ASPAC ay regional section ng UCLG, global network ng mga siyudad at mga lokal na pamahalaan. Pinapalakas nila ang pagkakaisa at pakikipag-ugnayan sa bawat lungsod para makapagbahagi ng kani-kanilang best practices.
Nasa 7,000 lungsod mula sa iba-ibang bansa sa Asya ang miyembro ng UCLG ASPAC na pinamumunuan ni Quirino Province Governor Dax Cua.
Ibinahagi ni Mayor Joy ang mga pangunahing adbokasiya ng lungsod para sa mga QCitizen, partikular sa pagsusulong sa gender equality, disaster preparedness, climate change mitigation and adaptation, at good governance.
Kasama di ni Mayor Joy sa pulong sina QC Disaster Risk Reduction and Management Office OIC Ma. Bianca Perez, Climate Change and Environmental Sustainability Department Education Division Chief Lea Siy-Gaon, at League of Cities of the Philippines Secretariat Executive Director Ma. Veronica Hitosis.