Upang mas mapalawig pa ang mga environment-friendly projects ng lungsod, nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kina Sharon Gil at Gulnara Roll ng UN Environmental Program.

Tinalakay nila ang Climate Change Action na dadaluhan ng mga delegado ng Lungsod Quezon.

Patuloy ang pakikipagtulungan ng lungsod para mapalakas ang climate resilience nito, pagtataguyod ng green economic development, at paglikha ng sustainable at livable na komunidad para sa QCitizens.