Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pulong kasama si Ma. Rosalyn Mesina, UN Women Country Programme Coordinator at Janet Oviedo, QC GAD Council Office head, upang talakayin ang Transformcare Investment Initiative.
Binigyang-diin sa pulong ang hangarin na matugunan ang hindi pantay na pasaning unpaid care work sa kababaihan at isulong ang inklusibo at mas pantay na oportunidad sa QCitizens.
Bahagi ng layunin ang pagsisimula ng pag-aaral para sa posibleng pagpapatupad ng programa sa lungsod, upang mas maraming kababaihan ang makinabang dito.








