Ibinahagi ng lokal na pamahalaan sa United Korean Community Association (UKCA) Inc. ang iba-ibang programa ng lungsod para sa mga negosyo.
Kabilang sa mga nabanggit ni Mayor Joy Belmonte ang QC Investment Code na naglalaman ng mga oportunidad para sa mga negosyo, at ang mga programa ng lungsod sa pagprotekta ng kalikasan.
Kasama ng alkalde sa meeting sina Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO) Head Jay Gatmaitan, External Relations Officer Tetta Tirona, at sina Mr. Hwang Jong Il, Ms Kim Minjoo, Mr. Han Byung Hong, at Ms. Naztazia Buenaflor ng UKCA.




