Maraming salamat USAID RenewHealth at sa limang taon na pakikipagtulungan sa Lungsod Quezon!

Bumisita si USAID RenewHealth project Chief of Party Prof. Regina M. Hechanova-Alampay sa tanggapan ni Mayor Joy Belmonte upang talakayin ang mga napagtagumpayan ng QC sa implementasyon ng Expanding Access to Community Based Drug Rehabilitation project.

Kabilang sa mga ibinahagi ni Prof. Hechanova-Alampay na naitatag ng lokal na pamahalaan ang pagkakaroon ng whole-of-society approach sa pag rehabilitate ng Persons Who Use Drugs (PWUDs).

Kasama sa exit meeting ang pamunuan ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council kabilang si Executive Director Alfredo M. Foronda.