BAGONG SKATE PARKS SA QC! 🛹

Iprinisenta nina Mayor Joy Belmonte at District 3 Rep. Franz Pumaren kay Vincent Marcos ang plano ng lokal na pamahalaan na magtayo ng dalawang skate parks sa Lungsod Quezon.

Isang skateboarding enthusiast si Vincent Marcos at aktibong tagasuporta ng sports programs para sa mga kabataan.

Layon ng QC Government na magtayo ng skate park plaza sa Quezon Memorial Circle at isang skate park na may competition standards sa Green Meadows.

Ipinakita rin ni City Architect Lucille Chua ang update sa rehabilitasyon ng Amoranto Sports Complex na siyang proyekto ni former President Ferdinand Marcos Sr., na pinasinayaan noong 1966.

Dumalo sa pulong sina City Administrator Mike Alimurung, Chief of Staff Rowena Macatao, Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, City Engineer Atty. Dale Perral, Parks Development and Administration Department head Ar. Red Avelino, at mga consultants mula sa Esports International.

+8