Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte at Kent Grinderslev Rasmussen ng Viva Denmark para talakayin ang mga programa ng QC laban sa child labor at Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC).
Ibinahagi ni Mayor Joy ang mga naging hakbang ng pamahalaang lungsod tulad ng pagtatatag ng Task Force Sampaguita at training sa call takers ng Helpline 122.
Nakiisa sa pulong sina Social Services Development Department OIC Carol Patalinhug, Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz, Philippine Children’s Ministries Network Executive Director Fe Foronda, at mga kinatawan ng Public Employment Service Office.