Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay Dr. Tahir Shad ng Washington Global Institute (WGI) upang pag-usapan kung ano pa ang mga karagdagang kaalaman na dapat pang matutunan ng mga elected official ng lungsod, partikular sa mga barangay.
WGI ang magiging facilitator ng training para sa mga opisyal tungkol sa ethics in government, transparency, accountability, at kung paano maibabahagi ang mga serbisyo sa mga mamamayan, lalo na sa mga bahagi ng marginalized sectors.
Naroon din sa pulong sina City Administrator Mike Alimurung at Chief of Staff Rowena Macatao.