Nakipagpulong ang Quezon City Government sa Water.org para pag-usapan kung paano mas mabigyan ng access sa malinis na tubig ang lahat ng mga QCitizen.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, target ito ng lungsod lalo na para sa mga nakatira sa malalayong bahagi ng QC.
Kasama ng alkalde sa pulong sina Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, City Engineer Atty. Dale Perral, Climate Change and Environmental Sustainability Department Head Andrea Villaroman, Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office Head Mona Yap, Dr. Kristine Obmerga ng QC Health Department, at mga kinatawan mula sa Water.Org at Department of Trade and Industry (DTI).