Makikipagtulungan ang Quezon City Government sa Wrestling Association of the Philippines (WAP) para maisulong ang sports na wrestling sa mga kabataang QCitizen.
Ibinahagi ni WAP President Arthur Alvin Aguilar kay Mayor Joy Belmonte ang programa ng kanilang organisasyon na naghahasa ng galing ng mga bata sa wrestling.
Kasama ng alkalde sa pulong sina District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, Education Affairs Unit Chief Maricris Veloso, at mga kinatawan ng Sports Development Office at QC Sports sa ilalim Office of the City Administrator.




