Nagsimula nang mamahagi ng memo ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) sa mga business establishment mula Eugenio Lopez Jr. Drive hanggang E. Rodriguez Avenue, at mula Quezon Avenue hanggang EDSA, ngayong araw.
Ito ay bunsod ng isasagawang dry run para sa ipatutupad na bagong parking regulations sa kahabaan ng Tomas Morato Avenue at Timog Avenue, simula sa Lunes, March 23, 2026.
Bahagi ito ng QC ReVibe efforts na naglalayong mas mapaganda ang mga tourist district ng lungsod.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa nasabing parking regulation dry run, tingnan ang post na ito: https://quezoncity.gov.ph/public-advisory-dry-run-for-the-implementation-of-parking-regulation-for-public-parking-space-tomas-morato-timog-avenue/
Para sa inyong mga katanungan, tumawag lamang sa QC Helpline 122.








