Nakiisa kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian si Mayor Joy Belmonte sa ceremonial signing of Memorandum of Agreement for the Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Service Providers.
Layon ng MOA na isinagawa sa DSWD Central Office na mapalakas pa ang mga serbisyong inilaan sa mga nangangailangang Pilipino.
Ang AICS ay social welfare service ng DSWD na nagbibigay ng tulong medikal, pampalibing, transportasyon, edukasyon, pagkain, o tulong pinansyal para sa iba pang support services o pangangailangan ng isang pamilya o individual.
Ang mga service providers na ito ay binubuo ng public at private hospitals, diagnostics centers, funeral homes, at pharmaceutical companies, at iba pa.
Dumalo sa event sina Chief of Staff Rowena Macatao, DSWD Usec. Monina Romualdez, DSWD Asec. Atty. Elaine Fallarcuna, Quezon City General Hospital Medical Center Chief Dr. Josephine Sabando, Rosario Maclang Bautista General Hospital Director Dr. Richard Joseph C. Cabotage, at Novaliches District Hospital OIC Dr. Luzviminda S. Kwong.
Nagbigay naman ng pahayag sa pamamagitan ng Twitter si DSWD Sec. Gatchalian ukol sa event: