Upang mas maisulong ang pagkamalikhain ng mga QCitizen, nakipagkasundo ang Quezon City Government at Quezon City University sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) para sa pagtatatag ng Innovation and Technology Support Office (ITSO) o Patent Library sa QCU.
QCU ang kauna-unahang LGU-run university na magiging partner IPOPHL para sa pagtatayo ng ITSO na magpo-protekta sa mga research project, invention, at produkto ng mga mag-aaral at maging micro, small, at medium enterprises.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ang pagtutulungan ng QC at IPOPHL ay simbolo ng pagsuporta at pagpapahalaga ng lungsod sa galing at kakayahan ng mga mamamayan, at pagkundena sa mga likhang kinopya o ginaya mula sa iba.
Kasama ni Mayor Joy sa Memorandum of Agreement signing ceremony sina IPOPHL Atty. Rowel Barba, Documentation, Information, and Technology Transfer Bureau Director IV Ralph Jarvis Alindogan, at QCU President Dr. Theresita Atienza.











You must be logged in to post a comment.