Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Magtatayo ng climate-resilient urban farming site sa QCU!
Pormal nang lumagda sa Memorandum of Agreement ang Quezon City Government at Agrigaia Tech Co., para sa pagtatatag ng isang urban farming demonstration site sa Quezon City University.
Kababaihan ang mangunguna sa urban farming sites. Magkakaroon din ng trainings at seminar para siguraduhing sapat ang kanilang kaalaman sa pagsasaka.
Bukod sa women empowerment at community engagement, layon ng site na palakasin pa ang programa ng lungsod sa food security.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Agrigaia Tech Co. Founder at Chief Executive Officer Vanessa Ying Lin ang ceremonial signing ngayong Lunes.









