Bawal ang plastic sa Quezon City!
Pormal nang nilagdaan ang Memorandum Of Agreement (MOA) sa pagitan ng Quezon City Government, Ajinomoto Philippines, Inc., at Basic Environmental Systems and Technologies (BEST), Inc.
Inaaasahang magbibigay-daan ito para mabawasan ang mga single-use plastics at sachets sa Quezon City.
Ang mga benepisyaryong tindahan sa lungsod ay maaaring mag-ipon ng sachets ng Ajinomoto at ito ay pwedeng ipalit ng Ajinomoto products.
Lumagda sa MOA sina Mayor Joy Belmonte, Ajinomoto Ph President Koichi Ozaki, at BEST President Isabelita Mercado.




