Isa ang Quezon City sa mga LGUs na partner ng Department of Energy (DOE) sa pagsusulong ng renewable energy sa mga pampublikong gusali!
Ngayong Lunes, pormal nang lumagda si Mayor Joy Belmonte, kasama ang iba pang alkalde sa NCR, sa Memorandun of Agreement sa pagpapatupad ng Solar Solutions for Government: Energy Efficiency and Renewable Energy in Public Buildings (SSG–ERPB) initiative ng DOE sa pangunguna ni Sec. Sharon Garin.
Sa ilalim ng SSG-ERPB program, magbibigay ng technical assistance ng DOE ang mga partner LGU sa pagde-deploy ng solar PV systems at energy-efficient equipment.
Magsasagawa rin sila ng training sessions sa mga technical staff para masiguro na sapat ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagpa-plano, pagsasagawa, at monitoring ng energy projects.








